BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE, INC.

News

Application for Electric Service Connection

  1. Sinumang nagnanais na magpakabit ng serbisyo ng kuryente ay kinakailangang magsadya sa Window 1 ng One-Stop Business Center na matatagpuan sa Covered Court sa Main Office sa Calaca, Batangas o sa alinmang sangay-tanggapan ng BATELEC I para maghain ng aplikasyon para sa pagiging kasapi ng Kooperatiba at dumalo sa Pre-Membership Orientation Seminar (PMOS) sa mga sumusunod na schedule:

Ang aplikasyon ay kailangang pirmahan ng personnel ng Membership Education and Development (MED) Section o kaukulang CWDO na nagsagawa ng orientation bilang katunayan ng pagdalo.

Kailangang lumagda sa logbook ng MED personnel o kaukulang CWDO ang mga dadalo ng PMOS para sa maayos na recording at monitoring.

  1. Magdala ng valid ID, 2x2 picture, membership form at iba pang papeles gaya ng marriage contract o birth certificate at dalhin ito sa Window 1. Ito ay para masuri ng Membership Records Staff sa database kung ang aplikante ay mayroon nang membership o connection at kung siya ay nakadalo ng PMOS bago i-proseso ang aplikasyon para sa pagiging kasapi.

Aalamin din ng Membership Records Staff kung ang aplikante ay may pagkakautang sa Kooperatiba. Kung sakaling may pagkakautang, kailangang mabayaran muna ito ng aplikante bago i-proseso ang AESC.

  1. Kumpletuhin din ang mga kinakailangang papeles gaya ng Certificate of Final Electrical Inspection (CFEI) at Fire Safety Inspection Certificate (FSIC). Dalhin ang job order o Application for Electric Service Connection (AESC) sa Window 2 kalakip ang mga nabanggit na permits gayundin ang litrato ng service entrance/metering pole na paglalagyan ng kuntador para sa kaukulang pagsusuri sa Window 2 at upang maiskedyul ang inspeksyon.

Ang mga aplikasyon lamang na may kumpletong requirements ang maaaring itakda para sa inspection ng Electrical Wiring Inspector ng kooperatiba.

Tanging ang aplikante lamang na nakapagpasa na ng AESC ang i-eendorso sa Board of Directors para maaprubahan ang membership.

  1. Matapos ang inspeksyon, kaagad gagawin ng inspector ang resulta o report ukol dito. May ibibigay na slip ang Electrical Wiring Inspector na naglalaman ng resulta ng inspeksyon kung aprubado ang service entrance base sa Philippine Electrical Code gayundin ang typical metering/service pole o hindi aprubado at may dapat pang baguhin.

Ipaayos agad sa inyong electrician ang anumang rekomendasyon ng Inspector. Kapag naisaayos ito, kailangang bayaran ng electrical wiring contractor (o ng may-ari) ng establisyimento ang re-inspection fee (at VAT) na P336.00 upang maisagawa ang re-inspection. Ang nasabing bayarin ay kailangang bayaran sa TUWING HINDI PAPASA sa inspection ang aplikasyon.

  1. Kung aprubado ang inspeksyon, magsadya lamang sa Window 2  para sa pagpapasok ng job order at kaukulang permits kalakip ang membership application form. Bayaran sa Window 6 o 7 ang membership fee (50.00); power bill deposit (bisitahin ang link na ito: https://www.batelec1.com.ph/article/005/20210928163422/20230918140545); meter base (P336.00) kung kinakailangan batay sa isinumiteng schedule of loads; service drop #6 kung lampas ng 30 meters ang kinakailangan batay sa rekomendasyon ng Electrical Wiring Inspector; at  inspection fee at connection fee para sa residential subsequent connections o kung hindi residential connection ang i-aapply.
  2. Dalhin sa Window 3 ang mga papeles para sa kaukulang pagrerekord at kunin ang meter base sa PUHW (kung kinakailangan).
  3. Matapos bayaran at maiayos lahat ang kaukulang requirements ng kooperatiba, ang inyong aplikasyon ay diretso nang ipo-proseso para maitakda ng Technical Services Department (TSD) ang pagkakabit ng serbisyo ng kuryente.
  4. Hintayin ang lineman na magkakabit ng kuntador sa inyong bahay o gusali.

 

 

MGA PAALALA:

 

LIBRE ANG KUNTADOR

 

 

LIBRE ANG SERVICE DROP WIRE #6