BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE, INC.

News

Net-Metering

Ating alamin kung ano ang NET-METERING at kung paano ito makakatulong sa atin bilang mga konsyumer ng kuryente.

Ang Net-Metering ay nagpapahintulot sa mga konsyumer ng kuryente na magkaroon ng on-site Renewable Energy Facility (REF) upang makalikha ng kuryente para sa pansarili nilang gamit.  Sa pamamagitan ng “grid tie inverter” [ang nagpapalit ng direct current (DC) upang maging alternating current (AC)], ang labis na kuryenteng nalikha mula sa pasilidad ng konsyumer ay awtomatikong dadaloy sa distribution system ng BATELEC I. Samantala, kung sakaling kulang naman ang kuryenteng nalikha mula sa REF ay ang BATELEC I ang maghuhusto sa pangangailangan ng konsyumer.

Ang bi-directional meter ang sumusukat sa labis o naibentang kuryente na nalikha mula sa REF at sa nakonsumo o nabiling kuryente mula sa BATELEC I. Ang labis o naibentang kuryente ng konsyumer sa BATELEC I ay binabayaran katumbas ng presyo ng ‘generation charge’ at ito ay ibinabawas sa buwanang power bill ng konsyumer.

DAGDAG KAALAMAN

Ang net-metering ay isang programa sa ilalim ng Seksyon 10 ng Republic Act No. 9513 o ang Renewable Energy Act of 2008. Ang ERC ang nagtakda ng mga pamantayan at pricing methodology nito upang masiguro ang tagumpay sa pagpapatupad ng net-metering para sa renewable energy.