MAGANDANG BALITA! Inululunsad ng kooperatiba ang “BATELEC I Online Membership Application” para sa mga nagnanais maghain ng aplikayon sa pagpapakabit ng supply ng kuryente o di kaya ay para sa magpapapalipat ng billing name. Sa pamamagitan nito, ang mga aplikante ay maaaring online na lamang umattend ng Pre-Membership Orientation/Seminar (PMOS). Gayundin, maaaring online na ang pagsubmit ng mga paunang requirements para sa screening.
Samantala, ang pagdalo sa online membership ay ang unang hakbang pa lamang. Matapos nito ay kinakailangang isumite ng aplikante (o ng accredited electrician o malapit na kamag-anak) sa punong-tanggapan ng kooperatiba sa Calaca, Batangas ang kumpletong requirements para sa kanyang transaksyon. Ang pagsusumite ng kaukulang requirements para sa pagpapakabit ng serbisyo ng kuryente o di kaya ay sa pagpapalipat ng billing name ay kailangang maisagawa sa loob ng anim (6) na buwan matapos ihain ang aplikasyon sa pagiging kasapi, kung hindi ay mawawalan na ng bisa ang nasabing aplikasyon.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba para sa mga hakbang sa pagsasagawa nito.