News

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

 

Nais po naming ipabatid na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay magsasagawa ng pagsasaayos ng linya sa ika-17 ng Oktubre 2017 (Martes) simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon.  Ang mga apektadong lugar ay ang Poblacion at lahat ng barangay ng  CALATAGAN maliban sa Brgy. Baha at Talibayog at ilang barangay ng LIAN gaya ng Balibago, Binubusan, Ligtasin, Lumaniag, Luyahan, at Matabungkay.

Kaugnay po nito, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sanhi ng paglilipat ng linya ng Balayan-Calatagan 69kV ang Brgy. Baha at Talibayog  sa CALATAGAN; Poblacion at ilang barangay ng LIAN; at Poblacion at lahat ng barangay ng NASUGBU at TUY gayundin ang lahat ng barangay  ng Balayan maliban sa Gumamela, Gimalas, Putol, Taludtod, Calan, Sucol, Langangan, Caybunga, Pook, Lucban, Patugo, Durungao, Sampaga, Baclaran, Carenahan, at bahagi ng Sitio Bagong Daan Ermita sa Cayponce Roadside sa parehong petsa simula ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga at simula ika-3:00 hanggang ika-4:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. Gayunpaman, sakali pong maantala ang pagpapatay o pagbabalik ng serbisyo ng kuryente, hindi po kontrolado ng BATELEC I ang oras na itinakda ng NGCP.

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

 

PANGASIWAAN

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI  NG KOOPERATIBA

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay magsasagawa ng linya ng double circuit para sa SM Center at XentroMall sa Brgy. Palanas, Lemery. Dahil po dito, pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang Poblacion at lahat ng barangay ng AGONCILLO at ilang barangay ng LEMERY gaya ng Mahayahay, Maigsing Dahilig, Balanga, San Isidro Ibaba, Bucal, Tubigan, Nonong Casto, Matingain I & II, Malinis, Ayao-Iyao, Cahilan I & II, Dita, gayundin ang bahagi ng Mataas na Bayan at Palanas (XentroMall hanggang Batangas Provincial Hospital) sa Oktubre 10, 2017 (Martes) simula ika- 12:00 ng tanghali hanggang ika-1:00 ng hapon. 

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain.

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

PANGASIWAAN

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay magsasagawa ng linya ng double circuit para sa SM Center sa Brgy. Palanas, Lemery. Dahil po dito, pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang bahagi ng Ilustre Avenue (Citylife Hardware hanggang sa Little Angels Medical Hospital) at bahagi ng Marasigan St. (Little Angels Medical Hospital hanggang Sangalang Street) sa Setyembre 22, 2017 (Biyernes) simula ika- 9:00 ng umaga hanggang ika- 5:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay magsasagawa ng linya ng double circuit para sa SM Center at paglilinis ng linya ng kuryente sa Brgy. Palanas, Lemery. Dahil po dito, pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang bahagi ng Palanas (David Salon hanggang Metro Lemery Medical Center), bahagi ng Ilustre Avenue (SM Center hanggang Little Angels Medical Hospital), at Marasigan St., District IV sa Oktubre 5, 2017 (Huwebes) simula ika- 9:00 ng umaga hanggang ika- 5:00 ng hapon. Kaugnay po nito, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang Brgy. Wawa Ibaba, Wawa Ilaya, Sambal Ibaba, Sambal Ilaya, at ang Sangalang St. simula ika-9:00 hanggang ika-10:00 ng umaga at ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

 

PANGASIWAAN

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Dahil sa masamang panahon noong nakaraang linggo, ang itinakdang pagkawala ng suplay ng kuryente noong  Setyembre 13, 2017 (Miyerkules) ay muling itinakda sa Setyembre 19, 2017 (Martes) simula ika- 9:00 ng umaga hanggang ika- 5:00 ng hapon. Katulad ng naunang patalastas, ang BATELEC I ay magsasagawa ng linya ng double circuit para sa SM Center sa Brgy. Palanas, Lemery kung kaya’t pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente mula Citylife Hardware hanggang Metro Lemery Medical Center.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

Page 5 of 7

External Links

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________