News

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na isasagawa ng BATELEC I ang pagtatangal ng mga nakatayong poste at paglilipat ng load ng SM Lemery mula sa Butong substation patungo sa Palanas substation para sa gagawing pagbubuhay ng linya para sa SM Lemery. Ito po ay itinakda sa Miyerkules, Nobyembre 15, 2017, mula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Dahil po dito, mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang Brgy. Palanas at bahagi ng Sangalang St., Ilustre Ave., Malinis, at Ayao-Iyao.

Kaugnay  po nito, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sanhi ng nasabing pagawain ang Brgy. Wawa hanggang Sangalang St. sa parehong petsa simula ika-9:00 hanggang ika-10:00 ng umaga at ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay magsasagawa ng linya ng triple circuit para sa SM Center at paglilinis ng linya sa ika-10 ng Nobyembre 2017 (Biyernes) simula ika-9:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Dahil po dito, pansamanatalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang Poblacion at lahat ng barangay ng SAN NICOLAS; ilang barangay ng TAAL gaya ng Apacay, Cubamba, Halang, Laguile, Bolbok, Buli, Carachuche, Cultihan, Diversion Road, Gahol, Latag, Luntal, Seiran, Taal Bayview Subd., Tawilisan, Tulo, bahagi ng Kawit, Bihis, at Mahabang Ludlod; ilang barangay ng LEMERY gaya ng bahagi ng Palanas, Ayao-iyao, at Malinis; at Brgy. Burol sa STA. TERESITA.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

 

 

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay magsasagawa ng pagsasaayos ng linya sa ika-9 ng Nobyembre 2017 (Huwebes) simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon.  Ang mga apektadong lugar ay ang ilang barangay ng LIAN gaya ng Balibago, Binubusan, Ligtasin, Lumaniag, Luyahan, at Matabungkay; at Poblacion at lahat ng barangay ng  CALATAGAN maliban sa Brgy. Baha at Talibayog.

Kaugnay po nito, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sanhi ng paglilipat ng linya ng Balayan-Calatagan 69kV ang Brgy. Baha at Talibayog  sa CALATAGAN; Poblacion at ilang barangay ng LIAN; at Poblacion at lahat ng barangay ng NASUGBU at TUY gayundin ang lahat ng barangay  ng BALAYAN maliban sa Gumamela, Gimalas, Putol, Taludtod, Calan, Sucol, Langangan, Caybunga, Pook, Lucban, Patugo, Durungao, Sampaga, Baclaran, Carenahan, at bahagi ng Sitio Bagong Daan Ermita sa Cayponce Roadside sa parehong petsa simula ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga at simula ika-3:00 hanggang ika-4:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. Gayunpaman, sakali pong maantala ang pagpapatay o pagbabalik ng serbisyo ng kuryente, hindi po kontrolado ng BATELEC I ang oras na itinakda ng NGCP.

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay nagtakda ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente upang bigyang daan ang kahilingan ng Citimart-Lemery kung saan kailangan nilang mag-alis ng generator set mula sa ika-apat na palapag ng kanilang gusali gamit ang isang lifting equipment na maaaring tumama sa linya ng kuryente. Ang pagkawala ng serbisyo ng kuryente ay mararanasan sa Villamin St., bahagi ng Rizal St., Atienza St., at Luna St. sa LEMERY sa ika-8 ng Nobyembre 2017 (Miyerkules) sa ganap na ika-8:00 ng gabi hanggang ika-12 ng hatinggabi .  

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang BATELEC I ay magsasagawa ng paglilipat ng poste at pagtatayo ng tapping pole para sa Waltermart Nasugbu. Dahil po dito, pansamantalang mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang ilang barangay ng NASUGBU gaya ng Bulihan, Bunducan, Butucan, Dayap, Malapad na Bato, Maugat, Putat, at Talangan gayundin ang bahagi ng ACM Roxaco, Poblacion, Catandaan, Cogonan, Looc, Lumbangan, Pantalan, at Wawa sa Nobyembre 2, 2017 (Huwebes) simula ika- 10:00 ng umaga hanggang ika- 5:00 ng hapon. 

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. 

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

Page 4 of 7

External Links

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________