News

NGCP Power Interruption (Dec. 12, 2017)

 

SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

Nais po naming ipabatid na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay magsasagawa ng mga kaukulang pagawain gaya ng paglilipat ng mga electrical conductors sa mga bagong tayong poste, pagpapalit ng mga sirang conductors at poste gayundin ang paglilinis ng linya sa kahabaan ng Balayan – Nasugbu 69kV line. Dahil po dito, mawawalan ng serbisyo ng kuryente ang Poblacion at lahat ng barangay  NASUGBU at LIAN maliban sa Balibago, Binubusan, Ligtasin, Lumaniag, Luyahan, at Matabungkay sa ika-12 ng Disyembre 2017 (Martes) simula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-4:00 ng hapon. 

Kaugnay po nito, makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sanhi ng pag-isolate/paghihiwalay ng linya ng Balayan-Calatagan 69kV ang Poblacion at lahat ng barangay ng  CALATAGAN at TUY maliban sa bahagi ng Sabang gayundin ang ilang barangay ng LIAN gaya ng Balibago, Binubusan, Ligtasin, Lumaniag, Luyahan, at Matabungkay at ilang barangay ng BALAYAN gaya ng Gumamela, Putol, Taludtod, Calan at bahagi ng Gimalas at Sitio Bagong Daan Ermita , Cayponce sa parehong petsa simula ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga at simula ika-3:00 hanggang ika-4:00 ng hapon.

Maaari pong ibalik ang serbisyo ng kuryente ng mas maaga kung matatapos kaagad ang nasabing pagawain. Gayunpaman, sakali pong maantala ang pagbabalik ng serbisyo ng kuryente, hindi po kontrolado ng BATELEC I ang oras na itinakda ng NGCP.

Marami pong salamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

PANGASIWAAN

 

External Links

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________