New

 

SA LAHAT NA MGA KASAPI NG KOOPERATIBA:

Nais po naming ipabatid na simula Agosto 31, 2016, maaari na po kayong magbayad ng inyong buwanang power bills sa mga sumusunod na itinalagang bayad centers ng BATELEC I:


BAYAD CENTER ADDRESS

BALAYAN 
LBC- Balayan GF 150 Antorcha St., Balayan, Batangas
PERA HUB- Balayan Antorcha St., Brgy. 12, Balayan, Batangas
PHILPOST- Balayan Public Market, Balayan, Batangas
USSC Batangas- Balayan Antorcia St., Balayan, Batangas

CALACA 
LBC- Calaca Marasigan St., Brgy. 4, Calaca, Batangas
PERA HUB- Calaca T. Marella St., Brgy. 4, Calaca, Batangas

CALATAGAN 
PHILPOST-Calatagan Municipal Compound, Calatagan, Batangas

LEMERY 
GLOBAL RELIANCE- GF A7Victory Town Center Lemery, Batangas
VICTORY LEMERY
LBC-Lemery Illustre Ave. Cor. P. Burgos St., Lemery, Batangas
LBC- Xentro Mall Unit LS-017, GF, Xentro Mall, Lemery, Batangas
LDB Batangas-Lemery Illustre Ave., Lemery, Batangas
PHILPOST-Lemery Municipal Compound, Lemery, Batangas
RSC Robinsons Supermarket, Xentro Mall, Lemery, Batangas
USSC Batangas- Lemery Illustre Ave., Lemery, Batangas
USSC Batangas- Lemery 2 Illustre Ave., Lakandula St., Lemery, Batangas

LIAN 
PERA HUB- Lian JP Rizal St., Lian, Batangas
PHILPOST- Lian, Batangas Municipal Compound, Lemery, Batangas

NASUGBU 
LBC- Nasugbu GF, Mulingbayan Bldg., Alvarez St., Cor. JP Laurel Ave., Nasugbu, Batangas
PERA HUB- Nasugbu Brgy. 3, Nasugbu, Batangas
USSC Batangas- Nasugbu JP Rizal St., Nasugbu, Batangas
Villarica- Batangas Nasugbu Brgy. 10 Mulingbayan St. Cor. F. Castro, Nasugbu

TUY 
MALARAYAT RB-TUY P. Burgos St., Tuy, Batangas


Gayundin, ipinaaalaala po namin sa lahat ng nais magbayad ng kanilang buwanang konsumo o power bill, na pakidala lamang po ng inyong pinakabagong Billing Notice tuwing magbabayad at huwag din po kalimutang kuhanin ang Official Receipt bilang katunayan ng pagbabayad.

Para po sa inyong kabatiran at gabay.


PANGASIWAAN

 

PATALASTAS

 

     Nais po naming ipabatid na mahigpit pong ipinagbabawal ang pagkakapit ng mga banderitas sa mga poste at linya ng BATELEC I at NGCP upang maiwasan po natin ang anumang aksidente na maaaring magdulot ng pinsala sa mga ari-arian nito, kumitil ng buhay o di kaya ay maging dahilan ng pagkahinto/pagkaputol ng serbisyo ng kuryente.

 

     Lagi po nating isipin ang ibayong pag-iingat at hangad po naming ang laging ligtas, maayos at maasahang daloy ng kuryente lalo na sa kaarawan ng inyong kapistahan.

 

      Para sa inyong kabatiran at gabay.

 

 

 

                                                                                                                        PANGASIWAAN 

 

SA LAHAT NA MGA KASAPI NG KOOPERATIBA:

      Nais po naming ipabatid na bilang bahagi ng membership sanitation ng BATELEC I at bilang pagtalima sa Coop Policy Blg. 02-85: Cancellation, Expulsion and Termination of Membership, ang lahat po ng mga kasaping namayapa na ay aalisin na sa membership masterlist ng Kooperatiba.

      Kaugnay po nito, ang sinumang may kaugnayan o kamag-anak ng namayapang kasapi ay inaanyayahang magsadya sa pinakamalapit na opisina ng BATELEC I upang makapaghain ng aplikasyon sa pagiging kasapi at para na rin sa kaukulang

 

Transfer of Membership at Billing Name.

 

Para po maiproseso ang nasabing paglilipat, narito po ang mga kaukulang hakbang:

 

     1.Magfill-up ng kaukulang Transfer Form at magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

 

          a.)   Kung sa anak o asawa ililipat

               a.1       Death Certificate at,

               a.2       Marriage Contract (kung asawa o anak na babaeng may asawa ang paglilipatan)

               a.3       Birth Certificate (kung anak na walang asawa  ang paglilipatan)

               a.4       Official billing receipt

 

          b.)  Kung sa malapit na kamag-anak ililipat:

               b.1       Proof of relationship

               b.2       Written consent ng asawa, anak at kapatid ng namayapang kasapi

               b.3       Valid ID ng nagbigay ng written consent

               b.4       Official billing receipt

 

     2. Maghain ng membership application at magbayad ng P50.00 membership fee sa pinakamalapit na tanggapan;

      Gayundin, alinsunod pa rin sa Coop Policy Blg. 02-85, ang sinumang kasapi na wala pa ring koneksyon o serbisyo ng kuryente matapos ang anim (6) na buwan, ay aalisin na rin sa membership masterlist.

 

Para po sa inyong kabatiran at gabay.

 

SA LAHAT NA MGA KASAPI NG KOOPERATIBA:

 

            Nais po naming ipabatid na ang Palanas 10MVA Substation ay naapektuhan ng naranasang southwest monsoon rain o hanging habagat na naging dahilan ng pagkasira nito. Dahil dito, ang lahat po ng barangay at Poblacion ng AGONCILLO, SAN NICOLAS at STA. TERESITA gayundin ang ilang barangay ng TAAL gaya ng Apacay, BUli, Tawilisan, Tulo, Carasuche, Bolbok, Cultihan, Gahol, Latag, Laguile, Halang, Cubamba at bahagi ng Kawit at Seiran ay kinakailangang pansamantalang ilipat sa Mataas na Bayan Substation sa Lemery at Butong Substation sa Taal upang mabigyan ng serbisyo ng kuryente ang mga nabanggit na lugar. Ang nararanasan sa kasalukuyan ay sanhi ng hindi mabalanseng load ng dalawang nabanggit na substation ng kooperatiba.

 

            Hinihingi po naming ang inyong lubos na pang-unawa sa ganitong kaabalahan.

 

            Makakaasa po kayo na patuloy pa rin pong gumagawa ng mga kaukulang hakbang ang Pangasiwaan ng kooperatiba upang kaagad na maisaayos ang Palanas Substation para maibalik sa normal ang serbisyo nito.

 

            Para po sa inyong kabatiran at gabay.

 

                                                                                                                                                                                                                                                            PANGASIWAAN

 

Coop conducts Ugnayang Pamahalaan at BATELEC I

The first Ugnayang Pamahalaan with the Barangay Captains of Calaca was held at the BATELEC I Main Office last February 24, 2016. 

Said meeting was attended by 24 Barangay Captains and other barangay officials of Calaca, Dir. Teresita Manalo and coop’s Department Managers. 

During the business meeting, the BATELEC I Department Managers presented the coop's status and updates. ISD Manager, Ms. Marivic Balbacal, presented the updates on the recently concluded referendum and pamaskong handog program of the coop. Ms. Maricar Arriola, FSD Manager, presented the accredited Bayad Centers and the taxes paid by the coop while Mr. Harris Tordecilla who represented the IAD Manager, reported about the streetlights inventory in the municipality of Calaca.

 ssues concerning streetlights, immediate response to request, pole replacement and other matters regarding coop's operation were discussed.  Some matters were resolved during the meeting while unresolved issues and concerns were agreed to be monitored for the information of the concerned barangay officials on the next scheduled meeting.

Before the meeting ended, the Association of Barangay Captain (ABC) President, Mr. Felipe A. Gatdula, extended his heartfelt gratitude to the management of BATELEC I for initiating this program.  

Meanwhile, Ugnayang Pamahalaan  aims to promote and raise the coop’s institutional relations among stakeholders by means of establishing a good rapport with the barangay officials of the municipality of Calaca. It will further be extended to other municipalities in the coop’s covered area. 

Page 6 of 7

External Links

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________